Teaser:
They’re crazy for each other. Pero akala ng beauty and brains na si Alyanna, hindi seryoso sa kanya si Radjha. Akala naman ng guwapong musician, writer at artist, hindi ito bagay na mapangasawa ng kasingyaman ng dalaga. Lalong nagkalabuan nang inakala ni Radjha na may mayaman nang boyfriend si Alyanna. Ang pag-iibigan bang ito’y mauudlot bago pa man lang nasimulan?
CHAPTER ONE
NAGMI-MEETING ANG mga young owners ng soon-to-open na Cafe Romanza.
Panganay sa apat na magpipinsang panay babae si Alyanna Chaparal Samson, 23 years old, brainy and businessminded. Pangalawa si Winn Chaparal Paras, 22 years old, sporty at agresibo. Pangatlo si Zelda Chaparal Regala, 21 years old, sopistikadang fashionista. Bunso naman si Solei Chaparal Deltierro, 20 years old, fresh from college.
Magkakapatid ang kanilang mga ina – mga anak ng yumaong Donya Elena Chaparal.
Pinamanahan ng abuwela hindi lamang ang mga anak nito kundi pati na mga apo. Mga ari-arian ang napunta sa mga anak habang malalaking halaga ng cash naman ang natanggap ng bawat apo.
Nagmula sa kanilang kanya-kanyang mana ang capital investment ng magpipinsan para maitayo ang kanilang dream business – ang Cafe Romanza.
Inilagay nila ito sa isang choice spot sa isa sa pinakamalalaking mall sa Ortigas. Accessible ang cafe mula sa loob ng mall pero may entrance ding nakaharap sa labas. Malapit ang location sa outside parking lot at malapit din lang sa bus stop at entrance ng MRT. The perfect spot, ‘ika nga.
Masarap na pahingahan ng mga nagsi-shopping o nagpapalamig lang at nagpapalipas ng oras sa mall. Puwedeng mag-coffee lang. Puwedeng mag-full meal. Napakarami ring mapagpipiliang masasarap na desserts.
After five, puwedeng mag-drinks. May mga pica-pica. Sa gabi, puwedeng mag-romantic dinner. Puwede ring pampamilya o pambarkada.
Classy ang ambience, pero affordable ang prices. Hindi baduy ang place, pero hindi rin naman nakaka-intimidate pasukin.
Para sa mga on-the-go, mayroon silang inilagay na take-out counter. Taktika rin iyon para maipaalam sa mga dumaraan kung gaano kamura ang food and drinks ng Cafe Romanza. Hindi kasi asiwa kung doon sa likod ng counter nakapaskel ang prices. Hindi makakasira sa elegance ng main entrance.
Bilang panganay, at siya na ring may pinakamalawak na karanasan bilang dating investment analyst for the last two and a half years, si Alyanna ang tinitingalang leader ng magpipinsan. Siya ang laging namumuno sa mga meeting na tulad nito.
“Congratulations, ladies,” sabi niya. “I think we’re right on the dot sa ating schedule. The place is up at tinatapos na lang ang finishing touches sa interior decorating, may skeleton staff na tayo, and more or less ay buo na ang ating day and evening menu.”
“May kinukunsulta pa ang senior chef nating si Dianne para sa karagdagang recipes na gusto niyang i-suggest for our menu,” singit ni Winn. “Inspired daw kasi ang mga recipes na iyon ng dati niyang mentor. So pine-perfect pa muna nila bago ipa-taste test sa atin.”
“Kung kasingsarap din ang mga iyan ng mga ipinatikim na ni Dianne sa atin noon, aba sigurado akong talagang dudumugin na tayo ng mga tao for our food,” sabi ni Zelda.
“Ang maganda pa sa recipes niya, they’re all healthy. Hindi high cholesterol. Pati desserts niya, hindi masyadong high in calories pero super sarap. Kaya nga type na type ko. Hindi masyadong nakakataba. Unless, of course, mawili akong lumamon dito araw-araw,” dagdag ni Solei nang may kabuntot na bungisngis.
“At bagay na bagay ang food natin sa iba’t ibang coffee varieties na ise-serve naman ng barrista nating si Chenelle,” sabi ni Winn.
“Ang pine-perfect naman daw ni Chenelle ngayon ay ang mga coffee-based cold drinks at mga liquor-laced drinks natin,” sabad ni Solei. “May mga ipinatikim na rin siya sa akin, e. And they’re very good, ha. Hindi matapang pero lutang na lutang ang sarap ng coffee.”
“Kami ni Roxanne, for our part, ay marami nang na-interview na male and female servers,” pagre-report ni Zelda. “Mahusay na head server si Roxanne. Marunong pumili ng mga tao. They’re all good-looking, of course, at panay maganda ang attitude sa trabaho. Highly trainable. In fact, ongoing na ang training nila. And they’re all excited for our opening na nga, e.”
“Tamang-tama lang din in time for our target opening date ang pag-hire natin ng additional staff for the kitchen under Dianne’s supervision, at ng staff na mag-a-assist kay Chenelle,” sabi ni Alyanna. “Si Erica, hahanapan ko pa ng kahalili na cashier and, of course, ng administrative staff for our behind-the-scenes paperwork.”
“I still think kailangan nating maglagay ng live music,” suhestiyon ni Zelda. “Our set-up for a deejay is fine pero iba rin ang hatak ng live band for special nights. Kaya namang i-accommodate ng space natin, e. And we have a very good sound system na compatible din for the use of a live band.”
“Ay, oo, mas pupuntahan nga tayo kung may live band,” sang-ayon ni Solei. “Lalo na kung mga guwapo ang band members.”
“It makes sense kung magkakaroon nga tayo ng panapat sa mga night spots diyan every Friday, Saturday and Sunday night,” tango rin ni Winn. “Gimik nights iyan, e. At agawan ng clientele.”
Nagkibit-balikat si Alyanna.
“Sige, pag-aralan natin,” sagot niyang hindi halata ang bahagyang pagkabahala.
Hindi siya kumportable kapag topic na ng live band ang pinag-uusapan. May agad kasing sumasagi sa kanyang isipan. Pilit naman niyang iwinawaksi.
Back to the matter at hand, saway ng dalaga sa sarili. Hindi dapat na gumagala sa kung saan-saan ang kanyang isip.
Hindi rin niya puwedeng ipagsawalang-bahala ang suggestions ng kanyang co-owners, lalo pa’t outnumbered siya ng mga ito.
“Is that all?” tanong na lang niya. “May nakalimutan pa ba tayong i-tackle?”
“I guess that’s about it,” sagot ni Winn. “Nailinaw na naman natin earlier ang kanya-kanyang responsibilities natin. Nakapag-report na ang bawat isa. At dati na nating nailatag ang mga kailangan pang ayusin in the coming days.”
“Plus the matter of the live band,” pangungulit ni Zelda.
“Oo na nga raw, di ba?” sagot ni Solei.
“Oo pag-aaralan natin, hindi oo na,” pagtatama ni Alyanna. “May merit naman ang suggestion ninyo pero marami pa tayong dapat na alamin tungkol diyan. For one, kailangang siguruhin nating kaya nga ng kinuha nating sound system at ng acoustics nitong place ang performance ng isang live band.
"There’s also the matter of finding the right band na may magandang reputation na and, at the same time, affordable sa budget natin. Magiging counter-productive naman kung kukuha tayo ng bandang pipitsugin, hindi ba? On the other hand, hindi rin tayo dapat na lumampas sa ating allocated budget.”
As usual, may sense ang panig ni Alyanna. Kaya nga halos sabay-sabay na nagsitango ang mga pinsan niya.
Pero parang binibiro talaga ng tadhana ng dalaga nang araw na iyon. Lumapit kasi ang kanilang guard-on-duty sa kanya.
“Ma’am Alyanna, may naghahanap sa inyo sa labas,” sabi nito.
Palibhasa sarado pa ang cafe, hindi basta nagpapapasok ang guwardiya.
“Radjha Montelibano raw, Ma’am,” dagdag pa ng guard.
Napamulagat si Alyanna nang marinig ang pangalang iyon.
“Well, well, well, there’s our band!” nakangiting sabi ni Zelda.
Nagkatinginan at nag-high five naman sina Winn at Solei.
2 comments:
it looks like this one have an exciting set-up/story. i wanted to download it but is there anyway i can the book? please let me know where to buy it. i'm located in cenral valley, california. almost 200 miles from LA and more than 200 miles from San Francisco.
HELP! =)
Hi Jinky!
Just click on the "Download $2.00" link below the book and it will take you to Lulu.com where you can buy the ebook.
Thank you so much for your support. I'm thrilled when readers like my book. If you want a sexier read, though, you might enjoy Winn more :D
Post a Comment